Tuesday, December 27, 2016

Ambon by Barbie Almalbis

Ambon
Barbie Almalbis

Tumitigil ang pag-ikot ng aking munting mundo
kapag nakikita ang iyong ngiting kasing liwanag ng
Araw-araw ninanais marinig ang tawang siyang
tumunaw sa pusong giniginaw sa lamig ng lumipas

Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
ngunit diyan umaambon lamang
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
ngunit nalulunod pa rin

At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

‘Di mapaliwanag ang galak na aking nadadarama
kapag abot-kamay na ang bahagharing inaasam
Ngunit kahit magkaharap, dito ay bumabagyo
ngunit diyan umaambon lamang
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
ngunit nalulunod pa rin

At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap
Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito?

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Pagbuhos ng bagyo...
Paano ba patitigilin ang pagkahulog ko sa'yo?
Ako'y nakatayo sa lilim ng iyong yakap at halik
ngunit nalulunod pa rin

At nangangarap na maanggihan man lang
ng pag-ibig mong binihag ng mga ulap

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Pagbuhos ng bagyo...

Paano ba patitigilin ang pagbuhos ng bagyo?
Pagbuhos ng bagyo...

Paano ba patitilain ang bagyo
kung ang gusto mo lang ay ambon?
Paano na ito...
kung gusto mo lang ay ambon?

No comments:

Post a Comment